Batas Ng Bala 3

Submitted by: Balderic
Type: Story · Categories: Erotic Couplings, First Time, Wife Lovers, Mature, Mind Control, Romance, Toys and Masturbation, One Night Stand · Tags: , , , , , , , ,
Date: Thursday, 7 November 2019 (6 days ago)


Ikatlong Yugto: Markadong Hudas
By: Balderic

Sa loob ng ospital sa provincial capital, binisita ni Chief Agusan ang mga tauhan nyang napinsala ng lalakeng hinde pa nila nakikilala o natatagpuan. Kasama nito si Chief Inspector Bandio.

"Paanong nangyaring ang dami nyo pero kayo parin ang na alanganin!? Magpaliwanag kayo! Pipino! Gringo! At ikaw Boboy!" sigaw ni Chief Agusan.

"Naunahan lang kami sir. Hinde kasi namin na tanstang may dala palang bakal yun." Paliwanag ni Pipino.

"Hinde ba kayo marunong mag search? Pulis pa kayo kung ituring. Ngayon, talo nyo pa ang mga hilaw na manga! Pinagtatawanan ako sa Provincial Headquarters ng dahil sa inyo!"

"Sir, madilim kasi sa bar. Tsaka medyo naka inom narin kami kaya hinde na ganun ka talas ang pakiramdam namin." Dagdag naman ni Gringo.

"Isa ka pa Gringo! Puro kalang satsat! Puro palusot! Kaya ganyang ang inabot mo dahil sa katangahan mo! Tignan mo ang mga paa mo! Nirereklamo mo pa ang mga rayuma mo, ngayon hinde ka na makalakad!" napakamot ng ulo si Gringo.

"Bandio, hanapin mo ang taong ito. Ayokong may gumagalang huldoom sa presinto ko! Gawin mo ang lahat para mahuli ang taong ito. Kunin mo sya at dalhin mo sakin nang mabigyan ko sya ng leksyon, pero kapag pumalag, siguraduhin mong hinde na sisikatan ng araw ang taong yun."

"Wag kayong mag alala Sir, ako nang bahala. Sa katunayan, kaninang umaga, pina dispatch ko na ang dalawang mobile units natin para magmanman sa bayan."

"Good! Oh kayong mga hunghang, wag na wag kayong magsasalita. Ayokong kumalat ito sa media."

"Yes sir." Sagot naman ni Gringo.

"Oh sya sige, magpahinga na muna kayo. Bandio, samahan mo ako sa munisipyo, pinapatawag ako ni Mayor."

----------

Lingid sa kaalaman ng kapulisan, kasalukuyang nagtatago ang lalake sa pamamahay ni Madonna. Buong gabi itong nagpahinga. Matapos ang trabaho ni Madonna ay binalikan nya ang lalake na nakahiga sa kama nya. Pagkabukas nya ng pinto ay nakita nya itong nakatayo sa harap ng bintana at tinitignan ang labas. Wala itong T shirt at naka maong pants lang. Dito nya napagmasdan ang matipunong katawan ng lalake. Napalunok ng laway si Madonna. Kakaiba ang aura ng lalake. Para itong isang mandirigmang kakasabak pa lamang sa isang matindeng digmaan dahil sa dami ng mga peklat at sunog na balat sa katawan. May malaki itong tattoo sa likod na nakasulat sa latin. "Sit Deus eleison Anima tua" na literal na nangangahulugang May God have mercy on your soul.

"Gising ka na pala. Kumain ka na? May dala akong tapsilog at pansit." Wika ni Madonna. Pero hinde sumagot ang lalake. Nanatili itong sumisilip sa bintanang gawa ng glass plates.

"Wag ka mag alala, walang nakaka alam na nandito ka. Kuro kuro ngayon sa bayan ang ginawa mong gulo sa bar. Alam mo bang ilang tao rin ang natatakot ngayon dahil baka sa kanila ibagsak ang galit nina Bandio.

"Hinde ako ang nagsimula ng gulo kagabi." Humarap ang lalake kay Madonna. Dito na napansin ng dalaga ang detalyadong itsura ng lalake. Mukha itong mid 40s at may malaking peklat sa kaliwang mata na tila gawa ng isang bladed na sandata. May mga peklat parin ito sa harap ng katawan na mukhang mga tama ng bala at tila bakas ng torture. Sa kanang braso nya ay may tattoo na nakasulat No Mercy at sa kanan naman ay tattoo ng isang bungo na may espadang nakatusok mula sa bumbunan ng bungo papunta sa panga.

"Sino ka nga ba? At saan ka galing? Sa itsura mo palang ay parang hinde ka ordinaryong tao."

"Hinde na mahalaga kung sino ako at kung saan ako nanggaling."

"Kung ganun, anong itatawag ko sayo kung hinde mo manlang sasabihin sakin pangalan mo?"

"Ikaw na bahala kung ano gusto mo itawag sakin." Tumalikod itong muli, nakita nyang nakasabit ang long sleeves nya at dumukot sya ng yosi pero wala na ang posporo nya. Lumapit si Madonna at may dala itong lighter saka sinindihan ang yosi ng lalake.

"Masyado naman yatang misteryoso ang dating mo rito. Wanted ka ba?"

"Madonna pangalan mo hinde ba?"

"Oo."

"Isa ako sa mga taong hinde mo dapat pang makilala Madonna. Delikado akong tao at hinde mo na sana ako dinala rito."

"Pasensya ka na at nagmagandang loob lang naman ako ano. Pasensya ka na rin at pinahiga pa kita sa kama ko. At pasensya ka na kung bakit pa ako nagdala ng pagkain para sayo. Aba pasensya na ho sa lahat lahat. Hinde ako natatakot sayo at sa kung sino. Kaya kung hinde mo ako kakausapin ng matino, mas mabuti pang magsimula kanang magbihis at lumayas ka na rito."

Humitit muna at bumuga ang lalake. Tinignan nito si Madonna sandali.

"Paumanhin, hinde lang ako sanay na tinutulungan ng mga taong hinde ko pa kilala."

"Paumanhin? Ilang taon ka na? Singkwenta?"

"Kwarenta y singko na ako."

"Ay sa wakas sumagot rin ng diretso! Oh, handa ka na bang sabihin pangalan mo sa akin?" napa palakpak si Madonna sa pagiging sarkastiko nito sa lalake.

"Tulad ng sinabi ko, ikaw na bahala kung ano itatawag mo sakin."

"Ay ganun? Sige, gusto mo ako bahala? Okay, ano bang magandang pangalan? Um, totoy? Tagpi? Utotino? Ah okay, pwede sigurong Bogart. Hahaha!"

Tumingin ng matalas ang lalake at napatigil ang pagtawa ni Madonna.

"oh bakit? Nagagalit ka? Sabihin mo nalang kasi pangalan mo."

"Mukha ba akong nagbibiro?"

"Okaayy sige….seryoso ka na dyan eh. Ano, Bob siguro kaso hinde ka mukhang Bob. Carding nalang. Oo tama, Carding. Naaalala ko kasi sayo ang tatay ng ex ko dati."

----------

By: Balderic

Dumating si Richie sa clinic ni Loren, kasama ang ilang tauhan nya. Abala ang doktora sa pag gagamot ng mga pasyente.

"Good morning miss beautiful hehehe."

"Ano nanaman kailangan mo?"

"Buwanang kontribusyon lang doktora hehehe." Tumayo si Doc Loren upang harapin si Richie.

"Mukha bang kumikita ang health center na ito Richie? At tsaka bakit ka maghahanap ng pera dito eh dapat pa nga si Mayor ang magbigay sa amin ng pera. Kulang na kulang ang kagamitan dito sa…"

"PAK!!" Nabigla si Loren nang sampalin ito ni Richie sa harap ng mga nagpapa checkup.

"Ikaw sumosobra ka na ha. Ilang beses akong naging matinong kausap pero lagi mo nalang akong binabastos! Kung akala mo makukuha mo lahat ng gusto mo rito Loren, pwes sinasabi ko sayo, nagkakamali ka. Si Mayor ang batas rito. Kung anong kagustuhan nya, susundin mo. Maliwanag?"

"Eh ano ngang ibibigay namin sayo!? Wala kaming pera rito."

Dinaklot ni Richie ang puti na overcoat ni Loren at hinila ito palapit sa mukha nya.

"Edi maghanap ka. Sa ganda mong yan eh, imposibleng wala kang makukuha hehehe. Pero madali lang naman akong kausap Loren. Pumayag ka lang, hindeng hinde ka na gagambalain dito. Akong bahala sayo." Sabay titig nito sa dibdib ng magandang doktora. Tinangkang manampal ni Loren pero nasalo ni Richie ang kamay nya.

"Isa kang hayop Richie. Hinde ka tao. Umalis ka na. Wala kang makukuha rito."

"Hehe ganun? At ako pa ang hinahamon mo? Oh sige, pagbibigyan kita. Mga bata!" sumenyas si Richie sa mga tauhan nya. Pumasok ang mga ito sa health center at pinagtutulak palabas ang mga taong nagpapagamot. Mapamatanda man, bata o buntis ay pilitang pinalabas ng mga tauhan ni Richie. Nagsi iyakan ang mga tao at ang iba ay wala nang nagawa pa. Maging ang nurse ni Loren at si Aleng Mameng ay nanood nalang at hinde makagalaw. Tinulak ni Richie si Loren at lumabas sya para harapin ang mga taong nasa labas ng Health center.

"Kayong mga tao kayo, narito kayo hinde lang dahil sa pagpapagamot kundi dahil na rin sa kabaitan ng ating Mayor. Pero ang ating munisipyo ay humihingi lamang ng kaunting bigay para narin mas lalo nyang maibigay ang serbisyo publiko dahil kulang na kulang na ang nailalaan ng ating pamprobinsyang budget! Pero ang inyong minamahal na doktor ay ayaw magbigay ni kusing sa ating mahal na pamahalaang lokal. At ang mamarapating kaparusahan dito ay ipapasara ko ang health center na ito hanggat hinde nakakapagbigay ang mga taong nanunungkulan rito!"

"Nasisiraan ka na ba ng bait!?" sigaw ni Loren at lumabas sya ng gusali.

"Para sa taong bayan ang health center na ito! Talaga bang ganyan nalang kaitim ang budhi nyo para ipasara nang ganun ganun ang health center!? Wala kaming maibibigay na pera dahil wala naman kaming pera! Contribution ba tawag dyan? O robbery!?" galit na dagdag ni Loren.

"Masyado na kayong nang aabuso!" sigaw ng isang tao sa lupon ng mga pasyente.

"Sinong nagsabi nyan!?" Bumaba sa maliit na hagdan ng Health center si Richie upang harapin ang taong nagsabi. Nilapitan nya ang isang lalakeng may sugat sa ulo.

"Ikaw ba!?" galit nitong tanong.

"Hi..hinde po." Pagtanggi nito. Tinulak ni Richie ang lalake at naghanap.

"Sino!? Sinong matapang ang nagsalita kanina!?"

"Pwede ba Richie pabayaan mo na ang mga pasyente ko? Walang kalaban-laban ang mga yan!"

Tinutok ni Richie ang baril nya sa isang ina na nagpapadede ng sanggol. Nagulat at natakot ang lahat.

"Bibilang lang ako sa tatlo, kapag hinde lumitaw ang hayop na nagsalita kanina, makikita nyo kung paano sumabog ang utak ng sanggol na ito kasama ang nanay nyang walang kwenta. At kayo ang may kasalanan dahil nagmamatigas kayo! Ngayon, magsalita kayo!"

"Richie tama na!" sinubukan ni Loren na lumapit pero hinarang sya ng mga tauhan ni Richie.

"Isa…"

"Dalawa…"

"Tat.." "ako po!" nagtaas ng kamay ang isang binatilyo. Sinipat ito ni Richie. Nilapitan nya ang nanginginig na binatilyo.

"Ang tapang mo bata. Ang lakas ng loob mong bastusin ako. Bakit? May maibubuga ka ba? Ha? Matigas na ba ang mga tuhod mo?"

"Hinde po….patawarin nyo po ako sir…" nangangatog sa takot ang binatilyo. Niyakap ito ng kanyang ama na halatang may lagnat.

"Maawa na ho kayo sir…bata pa po ang anak ko…hinde nya pa alam ang kanyang ginagawa..sinamahan nya lang ako dahil ilang araw na akong nilalagnat."

"SPAKK!!" Biglang hinampas ni Richie ng hawakan ng kanyang baril ang mukha ng matandang ama ng binatilyo at sumirit ang dugo sa ilong nito at nabuwal.

"Itaaay!!!" napayakap ang binatilyo sa natumbang ama na nawalan ng malay. Panay ang iyak nito.

"Sir..tama na po…."

"Sa uulitin, matuto kayong rumespeto ng taong may kapangyarihan! Huwag nyong tularan ang mga tangang ito. Dahil hinde natin alam kung kelan sila babagsakan ng hatol ng aking kamay na bakal."

Nilapitan ni Richie si Loren at hinablot ang panga nito saka biglang hinalikan sa labi ang babae.

"Umnh!!?? Bastos!!!" kumawala si Loren kay Richie.

"Hinde ka bubukas ng health center hanggat hinde ka nakakapagbayad sa amin. Subukan mong magsumbong o tumakas, hinde ka na sisikatan ng araw. Tandaan mo yan." Umalis ang grupo ni Richie at iniwan ang natatakot na mamamayan ng Sta. Fe.

----------

Naglalakad pauwi galing sa palengke si Salome, isang dalagang nag aaral sa high school. May dala dala itong dalawang supot ng gulay at karne. Napadaan ito sa isang kantong may nag iinumang grupo ng mga lalake. Dahil sa kagandahan nito ay napansin ito ng isang lalake at tumayo ito saka hinarang si Salome sa daan.

"Babes, saan ka pupunta? Halika't makitambay ka muna rito. Uminom kalang ng isang shot hehehe." Amoy ni Salome ang mabahong hininga ng lalake. Umiwas ito pero hinarang pa ulit ng lalake saka hinablot ang kamay nito.

"Ano ba! Bitawan mo nga ako!!"

"Masyado kang suplada ah! Bakit? May pinagmamalaki ka ba samin?"

"Baka di ka lang type pare hahaha!" Kantyaw ng kasamahan nito.

"Ah ganun ba…" niyakap nito ang dalaga at nagpupimiglas si Salome.

"Bitawan mo akooo!! Sakloloo!!!" dinilaan ng lalake ang leeg ng dalagita at wala itong nagawa sa lakas ng lalake.

"Hehehe ambango mo pala eh..ummhh.." hinalikan nito at dinilaan muli ang leeg at pisngi ng dalagita. Kumalat na sa sidewalk ang pinamili nito.

May isang tanod na napadaan sa lugar at nakikita ang pangyayari.

"Mamang tanod tulungan nyo po akooo!!! Maawa po kayooo!!"

"Hoy! Papalag ka!?" tumayo ang isa pang lalake at hinarap ang tanod. Nilabas nito ang kanyang punyal at kumaripas ng takbo. Iniwan si Salome na humihinge ng tulong.

"Hehehe ipasok nyo na yan sa kubol mga tol nang mapagpyestahan na hehehe."

"Huwaaagg!!! Bitawan nyo akooo!!! Bitawan nyo akoo!!!"

"Grabe kawawa naman ang dalagang yun..may napagtripan nanaman ang mga adik nato…." Bulong ng isang ginang na nanonood lang sa pangyayari. May ilan pang mga tao na saksi pero walang magawa. Pinagtulungang buhatin ng tatlong adik si Salome at pinapasok ito sa kubol na nasa gilid ng side walk. Ang isa pa nilang kasama ay tumatawa lang at naka upo na may hawak na bote ng alak. Hanggang sa biglang may nag agaw ng bote ng alak nya.

"SPASHHH!!!" Kaagad ay hinampas ang bote sa ulo ng lalake at nabasag ito. Bumagsak ang lalake na walang malay. Nakita ito ng tatlo at nagulat sa pangyayari. Isang lalakeng naka white long sleeves at jeans na nag yoyosi ang nakatayo tapat sa nakadapang kasamahan nila.

"Sino ka!?" tanong nang isa at binitawan nila si Salome upang harapin ang lalake. Hinde ito sumagot at patuloy lang sa pagyoyosi.

"Matapang ka ha!" sumugod ang isa sa mga adik. Bumitaw ito ng right hook na sinalag lamang ng lalake.

"SPAK SPAK SPAK SPAK SPAK!!!!" Sunod sunod na kaliwang jabs ang tinanggap ng mukha ng adik at tinapos ng lalake ang atake sa isang mabilis na right hook sa panga ng adik. Sa isang iglap ay kasunod itong bumagsak na parang lantang gulay. Dumura ang lalake at tinaktak ang abo ng yosi nya.

"Kung aatake ka, siguraduhin mong tatama ka." Wika nito sa dalawa pang adik.

"Ah ganun ha. Pwes tignan natin ang tapang mo ngayon!" naglabas ng punyal ang ikatlong adik. Ito ang humarang kay Salome kanina. Napangiti lang ang lalake. Gamit ang hintuturo ng kanang kamay ng lalake, sinenyasan nitong lumapit ang adik.

"Tangina, ang yabang mo ah!" umatake ng dalawang slash ang adik pero inatrasan lamang ito ng lalake. Umunday ito ng saksak at tinapik ng lalake palayo ang kamay ng adik.

"PAPAK!!" Sinundan ng lalake na paluin ng sabay ang magkabilang tenga ng adik. Nahilo ito sa unang palakpak at sinundan pa ng ikalawa. Nabitawan ng adik ang punyal. Tulog ito sa isang mabilis na kaliwat kanang hooks sa mukha.

"Graaaahh!!" ang huling adik naman ay tila naging despirado at hinde alam ang gagawin kaya lumusob itong bulag. Sinubukan nyang yakapin ang lalake pero sinalubong lang nito ang isang left straight sa ilong. Napa atras sya nang dumugo ang ilong nya. Lumapit kaagad ang lalake at pinaulanan ito ng mga rapidong suntong sa sikmura. Sunod sunod na kaliwa't kanang suntok sa sikmura at mabilis na right uppercut sa panga ang tumapos sa adik.

Hinde umabot ng dalawang minuto at napatumba nito ang apat na adik. Tinaktak nalang nito muli ang abo ng yosi nyang malapit nang maubos.

"Sa susunod mag iingat ka sa dinadaanan mo iha."

"O..opo! Maraming salamat po kuya!" nakangiti si Salome sa lalake. Akmang aalis na ang lalake nang pigilan ito ni Salome.

"Ah kuya, kung mamarapatin mo, pwede ba kitang anyayahing maghapunan sa bahay? Bilang pasasalamat ko nalang sana sa ginawa nyong pagligtas sa akin."

Napatingin muna sa paligid ang lalake at nakita nya ang mga taong nanonood sa kanila. Tumango na lamang ito kay Salome. Sa nakasaksi na mga tao ay isa na rito ang mister ni Aleng Mameng na si Mang Domeng. Nakita nito ng buo ang mga pangyayari at nagmammadali itong umuwi upang e kwento ang kanyang nasaksihan.

"Mameng! Mameng!" Taghoy ni Mang Domeng pagkapasok sa kubo nila. Sinalubong ito ng asawa.

"Aba Domeng, saan ka ba galing at pawis na pawis ka? Natuto ka na bang mag jogging?" biro ng misis.

"Tumigil ka nga tanda! May ekukwento ako sayo!"

"Kung magsalita ka kala mo bagets ka ah."

"Ano ho bang e kukwento nyo mang Domeng at talagang kumaripas kayo pa uwi?" Tanong ni Loren na nasa bahay nina Mang Domeng. Katabi nito ang nurse na si Rita Amaro.

"Ay doktora nandito pala kayo. Naku naku napakalaking balita ito."

"Eh ano nga yun? Binibitin mo naman kami Domeng."

"Galing ako sa bayan kanina. Nakita kong pinagtripan ng apat na adik si Salome, yung nakababatang kapatid ni Ricardo."

"Aba't namumuro na talaga ang mga adik na yun ano. At wala man lang ginagawa ang pulisya." Sabat ni Aleng Mameng.

"Paano ho magkakaroon mg hustisya ang mga tao eh isa sa adik anak ng isang brgy captain dito." Sagot naman ni Rita.

"Oo grabe talaga. Kamuntikan pa ngang ma rape si Salome. Kawawang batang iyon. Pero nagulat kami nung may lumapit na lalake. Binugbog ang apat na adik!"

"Lalake? Sinong lalake?" tanong ni Aleng Mameng. Napatingin lang si Loren at Rita sa mga matanda.

"Hinde ko kilala, mukhang dayo. Pero ang bilis nya umatake. Tulog agad ang mga adik!"

"Hinde kaya yan ang lalakeng nakasagupa nina Spo1 Pipino sa bar noong isang gabi?" tanong ni Rita.

"Malamang yun na nga. Walang ibang lalake ang papalag sa mga yun kundi ang lalakeng nagpadala ng mga pulis sa ospital."

"Eh nasan na sya ngayon?" tanong ni Rita.

"Ewan ko pero sumunod kay Salome. Mameng pengeng tubig, nahihilo ako. Pheww! Ang init sa labas!" nagkatinginan si Rita at Loren.

----------

Kinagabihan, sa bahay ni Salome. Ipinakilala nya ang lalake sa kanyang ina.

"Kuya ano nga pala pangalan mo?" tanong ni Salome. Natahimik sandali ang lalake.

"Tawagin mo nalang akong Carding." Sagot nito.

"Carding…" boses ng lalake mula sa likod ni Carding. Napatingin si Salome at natuwa.

"Kuya!!!" tumakbo si Salome at niyakap ang nakatatandang kapatid nitong si Ricardo alas Komander Sarate. Tinignan ni Carding ang kuya ni Salome.

"Ikaw pala ang nagligtas ng nakababata kong kapatid. Maraming salamat, utang ko sayo ang buhay ng kapatid ko."

"Wala yun, nataon lang na napadaan ako."

"Bueno, hayaan mo akong pasalamatan ka ng maayos Carding. Salohan mo kami sa haponan." Pumasok sa bahay si Ricardo at dalawang lalakeng tauhan nito. Napansin ni Carding na may dalang M16 ang dalawang kasama nito at si Ricardo ay may isang handgun na nakatago sa likod nya.

Matapos makapaghanda ng mga pagkain ay nagsalo-salo na ang pamilya Sarate kasama si Carding at ang dalawang tauhan ni Ricardo.

"Salome, sa susunod mag ingat ka sa dinadaanan mo. Hinde mo alam kung gaano kagulo ang bayan. Mahirap na, baka sa susunod wala nang makakapagligtas sayo." Wika pa ni Ricardo.

"Opo Kuya. Mabuti naman po at naka uwi kayo ngayon. Namimiss ko na kayo eh."

"Pinagbubutihan mo ba pag aaral mo?"

"Opo! Lagi nga ako nasa top 10 eh hihi."

"Aba mana yata ito sakin ah hahaha."

"Yabang mo kuya, mana ako kay inay hihi."

"Hahaha oo nga pala."

Tinignan ni Ricardo si Carding na kakatapos palang kumain.

"Bago ang mukha mo rito Carding. Pwede ko bang malaman kung taga saan ka?"

"Laking Maynila ako."

"Ano naman ang pakay mo rito sa Sta. Fe at napadaan ka rito?"

"Wala akong pakay sa Sta. Fe. Sadyang napadaan lamang ako sa lugar na ito. Aalis rin ako bukas o sa makalawa."

"Sadyang magulo ang bayang ito Carding. Pero maliit lang ang Sta. Fe at karamihan ng mga pangyayari ay madaling kumakalat. Ramdam kong hinde ka pangkaraniwang manglalakbay. Sa mga naririnig ko sa iyo ay mukhang dalubhasa ka sa labanan. Sabihin mo, isa ka bang sundalo? Pulis?" seryoso ang mukha ni Ricardo. Tahimik na napatingin si Salome kay Carding.

"Nasanay lamang ako sa kamaynilaan. Bata pa ako, nalapit na ako sa mga gulo. Marami kang makukuhang karanasan sa lansangan. Sa tingin ko, mas magaling na guro ang lansangan kesa sa paaralan." Sagot naman ni Carding.

"Bueno hinde na kita kukulitin pa. Karapatan mo ring hinde sabihin ang totoo. Pero wag kang mag alala, kaibigan kami Carding. Pero wag mo lang mamalabisin. Mabuti akong kaibigan pero masama akong kaaway."

Nasa kalagitnaan ng kainan ang lahat ng biglang may humintong owner type jeep sa harap ng gate ng bahay ni Ricardo. Sakay nito ang limang tauhan ni Senior Insp. Bandio na naka civilian na damit. Bigla nitong pinaulanan ng bala ang bahay.

"BRATATATATATATATATATATATATATATA!!!!!!!!!" Napa dapa ang karamihan sa mga nakaramdam ng panganib. Subalit nagulat si Ricardo nang makitang nakahandusay ang ina nito at kapatid na si Salome. Duguan pareho.

"Inaaayy!!!! Salomeeee!!! Gumising kayo! Gumising kayooo!!" ginapang ni Ricardo ang dalawa at niyakap. Parehong inagawan na ng buhay ang mag ina.

Matapos ang volley ng putok ay umandar kaagad ang sasakyan ng grupo. Agad lumabas ng bahay si Carding upang maabutan ang mga salarin. Pagkalabas nya ng gate ay nakita nyang papaalis palang ang sasakyan. Pinulot nito ang handgun ng isang napatay na kasama ni Ricardo at pinuntirya ang likod ng sasakyan.

"BLAM BLAM BLAM BLAM BLAM BLAM!!!" Sumabog ang gulong sa likod at nag iba ng direksyon ang sasakyan hanggang sa bumaliktad ito at gumulong ng dalawang beses papunta sa gilid ng daan. Tinakbo ni Carding ang sasakyan.

"BLAM BLAM BLAM BLAM!!!!" Pinagbabaril ni Carding ang apat at iniwang buhay ang isa. Duguang gumapang ang huling sakay ng sasakyan. Sinipa ni Carding sa mukha ang lalake at tumihaya ito. Inapakan kaagad ni Carding ang mukha ng lalake at tinutukan ng baril.

"Sino ang nag utos sa inyong paputukan kami sa loob ng bahay!?"

"Ugghh…putang ina mo!"

"BLAM!!" "AAAAHHH!!" Binaril ni Carding ang hita ng lalake.

"Hinde ko alam kung ilan na lang ang balang laman ng baril ko pero sisiguraduhin ko sa susunod na putok ay ibabaon ko ang bala sa gitna ng mga mata mo kaya magsalita ka nang hayop ka."

"Si..si Kapitan Bandio…si Kapitan Bandio…sya ang nag utos sa amin…maawa ka, wag mo akong.."

"BLAM!!!" Tinapos ni Carding ang huling lalake.

Bumalik sya sa bahay ni Ricardo at tulala itong niyayakap ang kanyang pamilya.

"Sinabi ko kanina na may karapatan kang ilihim kung ano man ang itinatago mo sa akin Carding. Pero iba na ang ihip ng hangin ngayon. Hinde ko alam kung sino ka, pero iisa lang sa atin ang posibleng dahilan kung bakit pinatay ng walang awa ang pamilya ko. Kaya bibigyan kita ng isang pagkakataon upang sabihin sa akin ang totoo." Hiniga ni Ricardo ang kanyang pamilya sa sahig at tumayo sya para harapin si Carding. Dahan dahan nitong nilapit ang kamay sa kanyang baril na nakatago sa holster nya.

"Bago ka magsalita, ako muna ang magpapakilala. Ako si Ricardo alyas Commander Sarate. Pinuno ng rebeldeng grupo sa lugar na ito. Tulad ng sinabi ko, iisa lang sa atin ang pwedeng dahilan kung bakit inatake ang bahay ko. Kaya ikaw, sino ka? At saan ka nanggaling?"

Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan ng dalawang lalake. Dahan dahang lumalapit ang kamay ni Sarate sa kanyang sandata habang nakababa lang ang kamay ni Carding at hawak nito ang baril na ginamit nya sa mga parak.

"Alam kong mabigat ang damdamin mo ngayon Ricardo. Humihingi ako sayo ng kapatawaran. Hinde ko alam kung may atraso ka sa mga umatake sa bahay mo pero ako alam kong may atraso ako sa kanila."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Mga pulis ang tumira sa atin. Inamin ng isa sa akin ang pangalang Kapitan Bandio na syang nag utos sa pag atake. Nakabangga ko sa bar ang ilang kasamahan nyang pulis. Alam kong hinahanap na nila ako para paslangin. Ang ikinakalungkot ko lang ay nadamay pa kayo nang dahil sa akin. Kaya bilang kabayaran, handa akong tanggapin ang bala ng baril mo pero humihingi ako sayo ng kapatawaran."

"Ikaw ang lalakeng nanggulo sa bar na nagpadala kina Pipino at Gringo sa ospital."

"Ako nga. Pero hinde ko kasalanan ang lahat. Sila ang nagsimulang manggulo. Prinotektahan ko lamang ang sarili ko. Hinde ko ginustong humantong pa sa ganito ang lahat."

Binunot ni Sarate ang baril at tinutok kay Carding. Kitang kita sa mga mata nya ang galit pero nanginginig ang kanyang paghawak sa baril. Seryoso naman at kalmado si Carding. Walang bahid ng takot sa kanyang mukha. Handa itong mamatay. Dahan dahang ibinaba ni Ricardo ang sandata.

"Niligtas mo ang kapatid ko kanina Carding. Pinalampas ko na rin ang atraso mo sakin. Amanos na tayo. Umalis ka na sa bayang ito dahil kapag makita pa kita rito, tutumbahin na kita."

Nilapag ni Carding ang hawak nyang baril sa lamesa at lumabas ito ng bahay ni Sarate. Tumakbo ito palayo habang si Sarate naman ay nag imbak ng ilang kagamitan bago ito tumakas.

Dumiretso si Carding sa tinitirhan ni Madonna. Madaling araw na nang makarating sya at nagulat si Madonna nang pumasok ng bahay si Carding.

"Carding? Ginulat mo naman ako. Saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap eh."

"Pasensya ka na Madonna, ihahanda ko lang ang mga gamit ko dahil aalis na ako." Umakyat ng second floor si Carding at pumasok sa silid ni Madonna. Naghubad ito ng damit at inayos ang ilang iniwan nyang kagamitan. Sumunod naman ang dalaga sa kanya at nakita ang duguang kanang balikat ni Carding.

"May sugat ka. Anong nangyari? May narinig ako kaninang putukan."

"Wala ito. Daplis lang."

"Ikaw ba ang nasa gitna ng putukan kanina!? Anong nangyari Carding?"

"Hinde mo na kailangang malaman pa Madonna. Ang mahalaga ay maka alis na ako sa lugar na ito." Lumapit si Madonna at hinarap si Carding. Inilagay nito ang palad sa dibdib ng lalake.

"Masyado pang mainit kung aalis ka ngayon Carding. Mas mabuti pang magtago ka nalang muna rito. Ligtas ka rito. Ako nang bahala sayo."

"Bakit mo ginagawa para sakin ito?" pagtataka ni Carding. Tumalikod si Madonna at humarap ito sa bintana.

"Hinde ko alam. Pero nararamdaman kong mas ligtas ako kapag narito ka. Alam kong may mabuti kang loob at hinde mo kasalanan ang mga nangyayaring gulo dito pero nangangamba ako para sa sarili ko kung aalis ka."

"Kanino ka may atraso at sa tingin mo ay nanganganib ang buhay mo?"

"Hawak ni Kapitan Bandio ang buhay ko Carding. Sya ang pinuno ng mga pulis na kinalaban mo sa bar. Alam kong hinahanap kana nila pero kaya kitang itago rito. Hindeng hinde nila malalamang nandirito ka. Regular kong costumer si Bandio, pero hinde sya pangkaraniwan. Madalas nya akong saktan at abusuhin. Hinde ko magawag manlaban dahil natatakot akong papatayin nya ako. Kaya nakikiusap ako sayo Carding, dumito ka muna kahit ilang araw lang. Mag iipon ako ng kaunting pera at tatakas ako. Sasama ako sayo. Wala akong pakialam kahit saan tayo umabot. Basta ang mahalaga makalayo ako sa bayang ito. Okay lang rin sakin kahit iwan mo na ako basta naka alis na ako rito."

Napabuntong hininga si Carding. Kumuha ito ng yosi at nagsindi.

"Mga tauhan ni Kapitan Bandio ang nakasagupa ko kanina."

"Ha? Pano ka nila nahanap?"

"Hinde ko alam. Nasa loob ako ng pamamahay ni Commander Sarate kanina at dun nila ako pinaputukan pero nabigo sila at ngayon pare-pareho na silang may bulak sa ilong. Pero sa kasamaang palad, nadamay ang pamilya ni Commander Sarate."

"Diyos ko! Mabuti at hinde ka pinatay ni Sarate. Notorious na mamamatay tao si Commander Sarate. Walang awa yun kung pumaslang ng mga sundalo. Matagal na syang hinahagilap ng mga sundalo pero sa tingin ko ay protektado sya ni Mayor kaya hinde sya mahuli-huli. Anong ginagawa mo sa bahay nya?"

"Mahabang kwento Madonna. Nailigtas ko ang kapatid nya pero nadamay sya kanina. Pero dahil dun, hinde ako pinatay ni Commander Sarate."

"Napakaswerte mo parin Carding. Kaya mag iingat ka. Pero hanggat nasa loob kalang ng bahay, walang makakahanap sayo dito sa Sta. Fe, ipinapangako ko yan."

"Mabuti kung ganun."

"Dyan kalang, pupuntahan ko si Doktora para matahi yang sugat mo."

"Teka, delikado yang gagawin mo Madonna, paano nalang kung magsumbong ang doktora nyo?"

"Wag kang mag alala, galit si Doktora kay Mayor at ang mga tauhan nito. Mapagkakatiwalaan natin sya."

Halos umabot ng isa't kalahating oras bago pa nakabalik sa bahay si Madonna at kasama na nito si Loren. Pagpasok nila sa silid ay tumayo si Carding para harapin sila.

"Ah doc ito nga pala si Carding. Carding si Doc Loren."

"Magandang gabi doktora."

"Magandang gabi naman Carding. Naikwento sa akin ni Madonna na ikaw raw ang nakalaban nina Pipino sa bar? At ikaw rin ang nasa gitna ng putukan kanina."

Napatitig si Carding kay Madonna. Ngumiti lang ang dalaga at napa iling si Carding.

"Huwag kang mag alala, hinde makakalabas ang sekreto nyo rito. Bueno, pwede ko na bang makita ang sugat mo?" Ininspeksyon ni Loren ang sugat ni Carding. Napansin nya rin ang mga tattoo nito sa katawan at ang marami pa nitong peklat.

Hinugasan at tinahi ni Loren ang malaking sugat ni Carding. Matapos nitong gamotin ang lalake ay nagreseta ito ng gamot at ibinigay kay Madonna.

"Painumin mo lang sya nyan para maiwasan ang impeksyon at pagmamaga. Tsaka yang isa pang gamot ay para sa sakit kung makaramdam man sya ng hapdi sa sugat. Pero sa tingin ko ay di na nya yan kailangan, mukhang sanay na sya sa mga ganyang klaseng sugat eh. Ang ipinapayo ko lang sa inyong dalawa ay mag iingat kayo. Maraming mata at tenga si Mayor. Iisang pagkakamali nyo lang ay pwede nyong ikapahamak."

"Salamat doktora."

"Walang anuman Carding. Sige, mauna na ako sa inyo. Magpahinga ka na, para maka bawi ka ng lakas."

Hinatid ni Madonna pauwi si Loren. At nang makauwi na sya sa bahay nya ay naabutan nyang nakatulog na si Carding. Nakatihaya lang ito at naka suot ng boxer shorts. Naghubad ng kasootan si Madonna. Isang manipis na sando at walang bra at naka panty lang ito nang sumampa sa kama. Tumabi ito kay Carding.

Dumikit sya kay Carding at niyakap ang lalake. Nagising bigla si Carding at napansing nakadikit sa kanya si Madonna. Nagkatinginan ang dalawa.

"Sinabi ni dok kanina na kailangan ko nang magpahinga hinde ba?"

"Huwag kang mag alala, sandali lang ito." Dahan dahang ipinagapang ni Madonna ang kamay nya sa tiyan ni Carding. Pababa ito at pumasok sa shorts. Hinuli ni Madonna ang sandata ni Carding at piniga nya ito. Dahan dahan pa nya itong binabate. Napangiti si Madonna sa taba ng sandata ni Carding.

"Mukhang mas malaki pa yata ito kesa sa baril mo eh hihihi."

"Ingat ka, pumuputok rin yan."

"Hmmm okay lang kahit putukan mo ako gusto ko, ako muna ang maunang magpasabog ha." Inilabas ni Madonna ang titi ni Carding sa shorts nya. Semi erect na ito at natakam ang dalaga sa laki at taba ng batuta ng lalake.

Hinde nya natiis at yumuko sya at sinimulang dilaan ang ulo ng titi. Dinilaan nya ang butas at kabuohan ng ulo. Jinakol nya itong muli upang mas lalong tumigas. Tumirik ang maugat na burat ni Carding. Pinatuluan ito ng laway ni Madonna. Jinakol nya muli para kumalat ang laway nya at saka nya ito sinubo ng buo.

"Aaahhh Madonnaaaa…" ungol ni Carding. Sumagad sa lalamunan ni Madonna ang kanyang tarugo. Niluwa ito ng babae at nababalot na ito ng laway.

"Jocelyn, yan ang tunay kong pangalan. Gusto ko tawagin mo akong Jocelyn, Carding..ummmhh.." sinubo nyang muli ang burat ni Carding. Chinupa nito ng sagad ang malaking burat. Ipinasok naman ni Carding ang kamay nya sa sando ni Jocelyn at hinimod ang suso nito. Nilaro nya ng daliri ang utong hanggang tumigas at piniga nya ang malambot na suso. Nagdala ito ng kiliti sa hiwa ni Jocelyn. Nananabik sa posibleng mangyari.

Pinag igi pa nito ang pag chupa kay Carding. Akyat baba ang ulo nya at subo subo ang matigas na tarugo ng lalake. Tayong tayo na ito at tila sampung pulgada ang haba. Sinagad pa ni Jocelyn hanggang dumikit ang mga labi nya sa bayag ni Carding. Napadaing ang lalake sa sarap. Niluwa nyang muli ang titi at ang bayag naman ni Carding ang nilinis nya ng dila. Sinipsip ang magkabilang itlog at nilaro-laro ito ng dila. Habang ang nakatayo namang burat ay nakadikit sa ilong nya paakyat sa noo. Patuloy nyang pinipiga at jinajakol ang burat ni Carding.

"Mukhang sanay na sanay ka talaga dito Jocelyn, kamuntikan na akong labasan."

"Ay yan ang wag na wag mong gagawin. Mas maigi pang ako naman ang paligayahin mo at nang masimulan na natin ang main event hihihi."

HInubad ni Jocelyn ang panty nya at hinagis. Sumabit ito sa door knob. Inupuan ng dalaga ang mukha ni Carding. Tinanggap naman ito ng lalake at kinain nito ng husto ang pekpek ng dalaga.

"Aahh aahh…aahh… ganyan nga Carding…aahh..ang sarap mo palang kumain ng puke…hayop kaa…bihasa karin pala dito…" mas lalong namasa ang puke ni Jocelyn. Sumusundot-sundot ang dila ni Carding sa butas ni Jocelyn at humahagod ito sa tinggil nya. Nilaro at niromansa ng dila nito ang hiyas ng magandang dalaga.

"Hhaaaaahh…aahh…ayan nako…tanginaaaa…ayan nakoooohh aahh…" kumatas ang puke ni Jocelyn pero natigilan sya nang hinalin ni Carding ang pwet nya at pati ito ay dinilaan rin ng lalake.

"Aaahhyy putang inaaaahhh…grabe kaaaa…ginulat mo akooo..di ko alam kumakain karin ng tumbong…ummhh..fuck…nakakakiliti pero ang sarapppp..sige pa Carding…..paligayahin mo ako ng husto…aahhh…." Nilinis nito ng dila ang pwet at puke ni Jocelyn. Napahawak nalang ito sa headboard ng kama. Parehong butas nya ay sabay na dinilaan ng mapangahas na dila ni Carding. Umiikot-ikot ang balakang ni Jocelyn dahil sa walang humpay na pagdila sa hiwa at pwet nya.

"Ummhh!! Tangina tanda, ang sarap mo kumain! Umhh!!" nasabunutan na nito si Carding nang manginig ang katawan nya sa tila kuryenteng dumaloy sa likod nya at kumalat sa buong katawan nya. Kinatasan muli si Jocelyn. Kumawala si Jocelyn at pumatong ito sa lalake. Sinakal nito ang malaking sandata ni Carding at pinadausdos sa naglalawa nyang puke.

"Putang inang titi yan, umhhh.. ang laki! Aaahh…" bumaba ang pwet ni Jocelyn at bumaon sa puke nya ang burat ni Carding. Humapdi ng kaunti ang loob ng puke nya. Kakaibang pakiramdam ito at parang umabot sa sinapupunan nya ang titi ng lalake. Maingat na kumabayo si Jocelyn. Dahan dahan ito dahil bagong hulma nanaman ang puke nya. Napa ungol sya habang nag aakyat baba ang katawan. Unti unti ay bumibilis na ang galaw nya. Hinarap nya si Carding na ibayong ligaya ang gumuguhit sa mabangis nitong mukha.

"Masarap ba tanda? Hmm…masarap ba ako?"

"Oo naman…hinde lang masarap, kundi isa kang dalubhasa sa banatan…"

"Puta nagsisimula palang tayo…wala akong costumer nitong mga nakaraang araw kaya buo ang lakas ko Carding…kaya gusto ko bugbugin mo ng kantot ang matris ko!"

Naglapat ang kanilang mga labi nang magsimulang umarangkada si Jocelyn sa ibabaw ni Carding. Marahas ang kanilang laplapan. Halos nagngunguyaan na sila ng mga labi. Ang pwet naman ni Jocelyn ay tumatalbog-talbog sa bilis ng kanyang pag kabayo sa tarugo ni Carding. Niyakap ng lalake si Jocelyn at sinapo nito ang mabibilog na pwet ng dalaga. Pinalo nito ang magkabilang pwet ni Jocelyn nang paulit ulit sa bawat bayo ng babae. Animo'y hayop na mas naging hayok at mas naging uhaw sa tawag ng laman si Jocelyn. Ito ang hinahanap nyang romansa. Ito ang hinahanap nyang ligaya na hinde nya naranasan sa mga naging parokyano ng puke nya.

Gumulong ang dalawa at umibabaw naman si Carding. Tulad ng inaasahan, binayo nito ang butas ni Jocelyn. Napadaing ito sa lalim ng naabot ng sandata ni Carding. Bawat ulos ay napapasinghap ng malalim ang babae. Pero mas ginanahan si Carding at binarurot nito ng husto ang dalaga. Napayakap na lamang si Jocelyn habang tinatanggap ang bawat ulos.

"Sa..sandali…na iihi ako..grabe ka Carding…matinde rin pala ang lakas mo kahit sa edad mong yan ha…" huminto si Carding at tumayo. Tumayo rin si Jocelyn.

"Bakit, susuko ka na ba?"

"Tangina iihi lang ako. Piniga mo kasi pati pantog ko eh." Lumabas ng silid si Jocelyn na nakapanty lang.

Ilang minuto pang nakalipas at bumalik sa kwarto si Jocelyn. Naka upo si Carding katabi sa bintana at hubad parin ito. Nagyoyosi lang ito at tumayo saka sinalubong ang dalaga.

"Halika, dito tayo.."

"Wag dyan sa may bintana gago, may makakita satin."

"Ano ka ba, gabi na. Sige tuwad."

Pinatuwad ni Carding si Jocelyn habang nakaharap sa bintana. Ibinaba nito ang panty ng dalaga. Ibinuka nito ang pwet ni Jocelyn at pinatuluan ng laway saka tinutok muli ang burat sa puke ng dalaga. Nang kumonekta ang dalawang ari, bumaon ang tarugo ni Carding sa isang mabilis na ulos.

"ahh aahh aah aaahh aahh..hayop ka ang sarap neto aahh aah.." panay ungol ni Jocelyn habang kinakantot sya mula sa likod. Tuloy lang sa pagyoyosi si Carding habang patuloy rin sa pag urong sulong ang balakang nya. Pumapalakpak ang pwet ni Jocelyn at tyan ni Carding. Ang 10 inches nitong batuta ay sagad na sagad ang pasok sa maluwag na puke ni Jocelyn. Pero dahil sa laki at taba ng burat nya ay medyo may kasikipan rin ang lagusan ng dalaga.

Naubos ang yosi ni Carding at dito na rin sya huminto sa kaka bayo sa dalaga. Hiningal pareho ang dalawa at binunot ni Carding ang burat nya. Jinakol nya ito at nang makita ni Jocelyn na lalabasan na si Carding ay pinigilan nya ang lalake.

"Tangina sa loob mo iputok tanda! Sige na please. Nagpipills naman ako eh." Napangisi si Carding at ipinasok nyang muli ang burat nya. Binayo nya ng husto ang puke ni Jocelyn hanggang makaramdam ito ng kiliti at ipinutok ang naipong tamod sa sinapupunan ni Jocelyn. Lumabas ang katas nang hugutin nya ang sandata. Tumulo pa ito sa hita ni Jocelyn.

Magkasunod na humiga sa kama ang dalawa. Niyakap ni Jocelyn si Carding at sinandal ang ulo sa dibdib ng lalake.

"Alam mo, ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ligaya na ganito. Kadalasan kasi ng mga costumer ko eh sarili lang ang iniisip. Kapag tapos na sila, okay na. Salamat ha."

"Wala yun. Pareho naman tayong nag enjoy eh."

"Hinde ganito ang buhay ko noon Carding. May kaya ang pamilya namin noong bata pa ako. Pero nalugi ang negosyo ng ama ko at binili ni Mayor lahat ng ari-arian namin. Nalugmok kami sa kahirapan. Hanggang sa dito ako bumagsak. Simula noon, naging alipin na ako ng bayang ito. Kung sino sino nalang ang gumagamit sakin. Mga politiko, sundalo, pulis at mga may asawa. Buong buhay ko, tinanggap ko na mamamatay akong ganito. Isang babaeng mababa ang lipad. Pero simula nang makilala kita, para akonf nabigyan ng liwanag."

"Wag ka masyadong umasa sa akin Jocelyn. Hinde ako ang tipo ng lalake na inaakala mo. Masama akong tao."

"Naniniwala akong naaayon sa sitwasyon ang pagiging masama mo Carding. Ramdam ko ang mabuti mong loob."

"Ikaw kaya ang niloob ko."

"Hihihi gago."

----------

By: Balderic

Sa mansion ni Mayor Romano, nagkaharap si Mayor, si Chief Agusan at si Commander Sarate. Nasa isang balcony sila sa second floor ng mansion ni Mayor. Naka upo sa sofa si Chief Agusan at nakatayo lang si Commander Sarate habang naka sandal sa gilid ng balcony si Mayor at may hawak itong tabacco.

"Isang malaking pagtatraydor ang ginawa ng mga aso mo Teddy! Nang dahil sa kapalpakan nila, nadamay ang pamilya ko! Magbigay ka sakin ng iisang dahilan kung bakit hinde ko pasasabugin ang bungo mo ngayon hayop ka!" sigaw ni Sarate kay Chief Agusan.

"Hinde ko alam ang lakad ni Bandio, Ricardo. Ang tip lang sa amin ay napunta roon ang lalakeng nagpadala sa mga tauhan ko sa ospital. Hinde ko inakalang pauulanan nila ng bala ang bahay mo."

"Pwes, isang pagkakamali ang ginawa nyong hakbang. Hindeng hinde ko mapapatawad si Ramil sa ginawa nya sa inay ko at sa kapatid ko!"

"Hinde ba ang dapat mong sisihin dyan ay ang lalakeng nagngangalang Carding? Total sya naman ang pakay ng mga tao ni Chief Agusan, Sarate." Wika naman ni Mayor Romano.

"Tao nya ang mga yun at kasalanan nya rin yun Mayor." Sabay turo ni Sarate kay Chief Agusan.

"Alam mo Sarate, nung una palang, ayaw na ayaw ko na talaga sayo. Nakikita ko lang ang pagmumukha mo, umiinit na ang dugo ko." Biglang dumating si Senior Insp Ramil Bandio at naka ngiti itong lumapit kay Chief Agusan.

"HAYOP KA!" Bumunot ng baril si Sarate pero tinutukan sya kaagad ng mga baril ng mga tao ni Mayor Romano. Napangisi lang at umiiling si Ramil.

"Heh! Masyadong mainit ang ulo mo Sarate. Mag iingat ka, baka sa sobrang init nyan ay sumabog yan." Pangbubuyo pa ni Ramil.

"Hinde pa tayo tapos Ramil. Darating rin ang araw na makikilala mo ang mga anak ng baril ko." Tumalikod si Sarate at naglakad paalis.

"Sarate!" tawag ni Mayor. Napahinto ang lalake.

"Saan ka pupunta? Pinatawag ko kayo rito upang magkaayos kayo at maiwasan ang sigalot na ito. Masyado nang maraming dugo ang dumanak. Mas makabubuti kung pagusapan nalang natin ito nang mahinahon." Wika pa ni Mayor at sabay buga ng usok.

"Masyado nang malayo ang distansya namin ng mga pulis mo Mayor. Hinde ko na marinig ang mga putak nila."

"Ang ibig mo bang sabihin ay handa kang banggain sina Chief Agusan? Sarate, wag kang padalos-dalos. Mga bata ko rin ang mga yan. Sa oras na bangain mo sila, para mo narin akong binangga. Hinde ako makakapayag dyan iho."

Tumalikod lang si Sarate at tuluyang umalis. Napa iling lang si Mayor Romano. Tumabi sa kanya si Bandio.

"Mukhang magkakaroon ng gyera Ramil. Ihanda mo ang mga bata mo. Kailangang mahuli mo ang Carding na ito. Dalhin mo sya sakin. Tuturuan ko sya ng leksyon na dito nya lang matututunan sa Sta. Fe."

"Akong bahala Mayor."

"At manmanan nyong mabuti si Sarate. May kutob akong darating na rin ang araw na tutuklawin nya tayo."

Itutuloy

**********

Author's Note: This last page will be a teaser feature for my upcoming story Agnas 3. Enjoy…

Guadalupe, Edsa

"Whoop whoop whoop whoop!!!!" ingay ng propeler ng isang helicopter na dumadaan sa Edsa. Sa bukas na pinto nito ay nakasabit at nakadungaw ang isang babaeng nasa edad na 19 at nakasuot ng black skin tight suit. Naka ponytail ang buhok nito at nakangisi habang nakatingin sa malaking highway ng Edsa.

"Hihi here we go!" wika nito at tila excited. Natatanaw nito sa ibaba ang iilang infected na naglalakad-lakad at walang direksyon. Tambak ng sasakyan ang Edsa at lahat nang ito ay inabandona na. Napakahaba ng traffic na nahinto na dahil sa lumaganap na infection sa naturang syudad.

Dahil sa ingay ng helicopter ay naglakad pal...
Views: 6,085